A Travellerspoint blog

isang piraso ng aking isip

ala lng

sunny

and lahat ng mga bagay-bagay sa mundo ay may saysay at may dahilan kung bakit nangyayari at naiisakatuparan.

dati isa akong palaboy sa lipunan, pero kung naiisip mo na ginawa ko un dahil hindi ko alam kung ano ang silbi ko sa lipunan, diyan ka nagkakamali.

naniniwala ako sa ideya ng existentialismo, ang ideya na ang tao ay responsable sa mga nangyayari sa kanya at maging sa kanyang paligid.

ang mga panahong iyon ay ang dahilan kung bakit ganito ako mag-isip at ang mga dating haka-haka ay napalitan ng mga matino at totoong pag-iisip ng mga bagay-bagay na nakapalibot sa akin. ang mundo ay puno ng mga pangyayari na di mo maiintindihan hanggat hindi ikaw mismo ang nakakaranas.

ang pagkakataon ay lubhang banayad sa isang katulad ko, ang mga pagkakataon ay sobrang matulungin at maging ang tadhana ay isang malapit na kaibigan.

marami ng pagkakataon na kung saan napatunayan kong totoo ang aking mga sinabi.
hindi ko masasabi na marangya ang klase ng buhay na kinagisnan ko ngunit hindi ko rin masasabi na malubha ang aking pamumuhay.

sa sinabi ko, iisipin mo siguro na kasama nito ang buhay ng pamilyang kinabibilangan ko, hindi.

pagsinabi kong akin, nangangahulugang iyon na, ang tinutukoy ko ay, AKO at hindi kasali dito ang aking pamilya.Bakit? dahil ako ay ako at ang aking pag-iisip, kahit na tinulungan ako ng akong pamilya para mabuo ang unang parte nito, ito ay ipinaglinang ng panahaon at karanasan.

naniniwala ako na sa mga darating pa na panahon ito ay titibay at bukas din ako sa ideya na posibleng ito ay magbabago, pero isang bagay na sigurado ako, ito ay isang laking tulong para mabuo ang aking pagkatao. isang magandang bagay na kokompleto sa aking kasarian, katungkulan, responsibilidad at lugar sa ilalim ng ating dakilang araw...

Posted by sylvrp 06:14 Archived in Philippines

Email this entryFacebookStumbleUpon

Table of contents

Be the first to comment on this entry.

This blog requires you to be a logged in member of Travellerspoint to place comments.

Enter your Travellerspoint login details below

( What's this? )

If you aren't a member of Travellerspoint yet, you can join for free.

Join Travellerspoint